CEBU – Kapulisan at CIDG sa Cebu ikinagalak ang pagkakapasa sa Sim Card Registration Law
Ikinatuwa ng mga alagad ng batas sa Cebu ang pagpasa ng Sim Card Registration Law dahil tiyak na makakatulong ito sa ilang imbestigasyon lalo na sa mga scam at bomb threat.
Ito ang ibinunyag ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, hepe ng Cebu City Police Office (CCPO), na tiyak na makatutulong sa kanilang pagresolba sa mga nabanggit na isyu at umamin na hindi na mangangailangan ng mga kagamitan ang lokal na pulisya para matunton ang mga kriminal lalo kung patungkol sa bomb threat.
Samantalang sa panig naman ni Police Colonel Peter Tagtag Jr., bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group in Central Visayas (CIDG-7), pabor na pabor sa kanila ang batas na ito dahil madalas silang nakakatanggap ng mga ulat mula sa mga biktima ng scam.