-- Advertisements --

Hindi natinag ang mga protesters sa Bangkok, Thailand kahit na ginamitan na sila water cannon ng mga kapulisan.

Nitong Biyernes ng hapon ay nagtipon-tipon ang nasa mahigit 2,000 na mga protesters kung saan hiling nila ang pagpapalaya sa inarestong aktibista.

Pinaghandaan ng mga protesters ang hakbang na ito ng kapulisan dahil may dala-dala ang mga ito ng mga payong bilang panangga.

Nagbabala naman si Prime Minister Prayuth Chan-ocha na maaari niyang ipag-utos ang curfew sa nasabing bansa.

Magugunitang nagbunsod ang ilang araw na kilos protesta dahil nais ng mga protesters na mabawasan ang kapangyarihan ng monarkiya sa gobyerno.