DAVAO CITY – Hindi inaalis ng kapulisan ang posibilidad na maaring pinagtulongang gahasain ang 12 anyos na batang biktima sa Barangay Sibulan, Toril District, lungsod ng Davao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay PMaj. Catherine Dela Rey, tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO), posible umanong hindi lamang isa ang nanggahasa kay alyas Noreen.
Sinabi rin ng opisyal na kasalukuyan ay meron ng ikinokonsidera ang Eden Police Station na apat na mga persons of interest kung saan pwede itong maharap sa kasong Homicide with rape.
Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ng Eden Police Station ang affidavit mula sa mga witnesses.
Sa kabilang banda, sinabi ni PMaj. Dela Rey na lumabas sa autopsy ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO) XI na positibong ginahasa ang bata at asphyxia by manual strangulation at suffocation ang dahilan ng kamatayan nito. Nakitaan pa ang biktima ng maraming pasa sa katawan, defense marks o mga pasa dahil sa panlalaban at nadislocate din ang hita ng nasabing bata.
Nangako naman ang DCPO sa pamilya ng biktima na gagawin nila ang lahat upang makamit agad ang hustisya sa pagkamatay ni alyas Noreen.