-- Advertisements --
Schiphol airport
Schiphol airport

Agad na nirespondehan ng mga kapulisan sa Amsterdam ang pagtunog ng hi-jacking alarm ng isang eroplano sa Schiphol airport.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na aksidenteng napindot ng piloto ang nasabing alarm.

Mabilis na inilabas ang 27 pasahero ng Air Europa ng Spain matapos ang pagtunog ng alarm.

Matapos ang pagdating ng mga Dutch Royal Military Police ay inamin ng piloto na aksidente nitong napindot ang alarm.

Humingi na rin ng paumanhin ang nasabing Spanish airline.