-- Advertisements --
Isinara ng Victoria government ng Australia ang isang construction sites dahil sa protesta laban sa mandatory COVID-19 vaccines.
Kinontra kasi ng mga manggagawa ang requirement na hindi sila papasukin sa trabaho kapag wala silang bakuna.
Dahil sa nasabing sagupaan ng mga otoridad at mga protesters ay nasira ang ilang mga kagamitan sa construction sites.
Nasira rin ang bahagi ng Construction Forestry Mining and Energy Union (CFMEU) sa Victoria.
Napilitang gumamit ng rubber bullets at pepper spray ang mga kapulisan para mabuwag ang mga protesters.
Sa kasalukuyan ay mayroong 87,000 na kaso ng COVID-19 sa Australia na mayroong 1,167 ang nasawi dahil sa COVID-19.