-- Advertisements --
Nahaharap sa matinding hamon ang mga kapulisan sa Melbourne, Australia dahil sa pagpapatupad nila ng lockdown.
Ito ay dahil maraming mga residente ang mga lumalabag.
Kahit na nagpatupad na ang mga otoridad ng paghihigpit gaya ng pagtaas ng multa para hindi na tumaas ang kaso ng coronavirus sa second wave nito.
Inatasan rin nila ang mandatory na pagsusuot ng face at stay-at-home order para mabawasan ang paglipat ng transmission.
Ayon kay Chief Commissioner Shane Patton, na may mga grupo na nagpapakilalang “sovereign citizens” na sila ay ‘above the law’ kaya hindi nila sinusunod ang kautusan ng gobyerno.
May isang babae pa na inatake ang isang policewoman matapos na ito ay sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.