-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – All set na ang preparasyon ng General Santos City Police Office (GSCPO) kaugnay sa dalawang malalaking religious activities.
Ayon kay City PNP Director Col. Jomar Alexis Yap ng GSCPO ito ay ang semana at Ramadan.
Dagdag pa nito na kahit relihiyosong aktibidad ang semana santa at Ramadan hindi pa rin magkumpyansa at dapat mahigpit na seguridad na ipapatupad.
Napag-alaman na bukas ay isasagawa ang moon sighting kaugnay sa Ramadan.
Dahil nito handa na ang mga pulis na ipakalat sa mga simbahan para masiguro ang seguridad.