-- Advertisements --
ROXAS CITY – Nakahanda na ang mga otoridad sa Ivana, Batanes sa pagpasok ng Super Typhoon ‘Mawar’ na tatawaging Bagyong ‘Betty’ sa Philippine Area of Responsibility kung saan posible maapektuhan ang isla ng Batanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCapt. Jeff Mamauag, hepe ng Ivana Police Station sa Batanes PPO, sinabi nito na nagsagawa na sila ng meeting kasama ang ibang ahensya ng gobyerno upang paghandaan ang magiging epekto ng bagyo sa kanilang lugar.
Inihanda na ang mga sakayan at nagsagawa na rin ng clearing operation.
Napag-alaman na mahigit 1,500 na indibidwal ang naninirahan doon at alerto na ang mga ito sa pagdating ng bagyo.