-- Advertisements --
Walang nakitang anumang bahid ng foul play ang kapulisan sa London sa katawan ng Irish singer na si Sinead O’Connor.
Ang 56-anyos kasi na singer ay iniulat ng mga kaanak nitong natagpuang wala ng buhay sa kaniyang bahay sa London.
Ayon as mga kapulisan na maaring namatay na mismo sa lugar ang nasabing singer.
Sinabi naman ng London Inner South Coroner’s Court na walang medical cause of death ng singer pero magsasagawa pa rin sila ng imbestigasyon.
Maaring sa mga susunod na mga linggo ang nasabing resulta ng autopsy.
Patuloy pa ring pagdagsa ng pakikiramay sa mga fans ng “Nothings Compares 2U” singer.