KORONADAL CITY – Buo ang suporta at commitment ng kapulisan sa buong probinsiya ng South Cotabato sa isasagawang Dugong Bombo 2023 sa darating na Nobyembre 18,2023.
Pinangunahan ni Police Lt. Col. Marvin Duadua, deputy provincial director ng South Cotabato ang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Bombo Radyo Koronadal, Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated at South Cotabato Police Provincial Office sa isasagawang nationwide blood donation.
Ayon kay Police Lt. Col. Duadua, kasama ng Bombo Radyo ang kapulisan sa probinsiya sa layuning makaipon ng sapat na dugo para sa nangangailangan.
Ikinagalak din ng opisyal na pagkalipas ng tatlong taon ay nagbabalik ang Dugong Bombo, “a little pain a life to gain” project ng Bombo Radyo Philippines.
Kaugnay nito, aasahan umano ang kapulisan na mangunguna sa blood donation campaigns sa susunod na lingo.
Inaanyayahan din nito ang lahat na makibahagi sa pagdonate ng dugo upang makapagligtas ng buhay.
Nakahanda na rin ang Philippine Red Cros (PRC) South Cotabato Chapter sa isasagawang Dugong Bombo.