-- Advertisements --

Ni-raid ng mga kapulisan ng South Korea ang presidential office ni Yoon Suk Yeol.

May kinalaman pa rin ito sa pagpapatupad niya ng martial law noong nakaraang linggo.

Napasok lamang ng mga kapulisan ang civil service office subalit bigo silang mapasok ang main building ni Yoon dahil sa hinarangan ng mga security guards.

Nananatiling nasa opisinal lamang nito si Yoon matapos na malusutan ang impeachment vote at ilang panawagan sa kaniya na bumaba na sa puwesto.

Patuloy pa rin itong iniimbestigahan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno dahil sa kasong insurrectioni at treason.