-- Advertisements --

Naaresto ng mga otoridad ng Spain ang isang lalaking Moroccan na nagpaplano ng terror attack kahit na ngayong kasagsagsagan ng coronavirus crisis.

Ayon sa Civil Guard ng Spain, tinulungan sila ng U.S. Federal Bureau of Investigation at state security forces ng Morocco.

Halos apat na taon na nilang binabantayan ang galaw ng suspek at lalong lumakas pa ang “process of radicalization” noong panahon ng lockdown sa Spain na nagsimula noon Marso.

Base sa imbestigasyon na hinihikayat ito ng mga Islamic State sa pamamagitan ng tawag.

Nagpahayag din ang suspek ng kaniyang galit sa mga western countries at ang pakikipag-alyansa niya sa ISIS na naipost niya sa kaniyang social media.