-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Walang nakikitang foul play sa pagpapakamatay ng isang menor de edad sa bahagi ng Sitio Malinong, Brgy. Benitez sa bayan ng Banga, South Cotabato.

Kinilala ni PSSgt Fernan Enano, imbestigador ng Banga PNP, ang biktima na si Alyas Toto, 14 taong gulang at isang Grade 8 student.

Gamit ang 3 metros ng nylon ay kinitil nito ang sariling buhay.

Nakita nalamang ng kanyang magulang na itoy nakabitay na sa kisame ng isang abandonadong sari sari store.

Ayon umano sa ama ng biktima, nagrereklamo ang kanyang anak dahil sa hirap itong sagutan ang kanyang modules.

Na isa naman sa mga tinitingnang dahilan ng pagpakamatay ng biktima.

Nagpaalala naman si Enano sa mga kabataan o estudyante na kung magkaproblema ay hindi mag atubiling humingi ng tulong sa kanilang mga magulang o kakilala.