Nagkasundo na makipagtulungan sa US federal authorities ang kapwa akusado ni Apollo Quiboloy na si Maria de Leon.
Ito ay hinggil pa rin sa kasong sex trafficking ni Quiboloy sa Estados Unidos, ayon sa US Department of Justice (DOJ).
Sa isang statement ay inamin ni de Leon sa federal prosecutors na siya ang nag-poproseso ng mga pekeng dokumento ng mga miyembro ng religous sect ni Quiboloy na “Kingdom of Jesus Christ (KOJC), The Name Above Every Name” sa loob ng walong taon.
Ang naturang pekeng immigration papers ay nagpahintulot sa mga ito na makapasok sa United States of young women na diumano ay niloko sa paghingi ng mga donasyon para sa “bogus” na pundasyon ng mga pang aabuso na ginagawa ni Quiboloy.
Samantala, itinanggi naman ng panig ni Quiboloy ang naturang mga akusasyon at sinabing hindi daw kaanib ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) si Maria de Leon.
Ipinahayag ito ni KOJC legal counsel Atty. Ferdinand Topacio kasabay ng pagsasabi na hindi makakaapekto ang pag-amin na ito ni de Leon sa magiging paglilitis sa kaso ng nasabing pastor.
Aniya, tanging sa isang paralegal services bureau sa California lamang namumuno si De Leon at kinuha lamang nila ang serbisyo nito bilang independent contractor na mag aasikaso naman sa mga dokumento na nangangahulugan na isa lamang siyang tao na ang trabaho ay walang kaugnayan sa Kingdom of Jesus Christ.
Magugunita na si Pastor Apollo Quiboloy ay akusado sa pagre-recruit ng mga babaeng may edad na 12 hanggang 25 taong gulang bilang kanyang personal assistant o “pastoral” kung saan kabilang sa mga obligasyon nito ang “night duty” o ang makipagtalik umano sa kanya.