-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanawagan ang mga kapwa beauty queen ni Rabiya Mateo na tigilan na ang pag-bash sa kanya at paninisi sa hindi pagkuha ng ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Miss Earth 2015 Angelia Ong, sinabi nito na hindi deserve ng kanyang kaibigan at kapwa Ilongga na si Rabiya ang mga pambabatikos sa kanya.

Ayon kay Angelia, napagdaanan niya rin na mabatikos ng mga kapwa Pilipino na dapat sana ay sumusuporta sa kanya.

Pinayuhan naman ni Angelia si Rabiya na mag move on at maging matatag dahil maraming mga nagmamahal sa kanya lalo na ang kanyang pamilya at mga kapwa beauty queen kagaya nina Shamcey Supsup-Lee, MJ Lastimosa, Pia Wurtzbach at Janine Tugunon.