-- Advertisements --

Inirekomenda ni ACTS-CIS party-list Rep. Niña Taduran na alisin na sa kalsada ang mga bulok na pampasaherong bus at jeep.

Matagal na dapat ayon kay Taduran na inalis at na-impound ang mga bulok na pampasaherong bus at jeep kung naging mahigpit lamang aniya ang pagpapatupad ng batas hinggil dito.

Maituturing aniyang halimbawa rito ang nationwide transport strike na nangyari noong Lunes, Setyembre 30, para iprotesta ang PUV modernization program ng pamahalaan.

Bagama’t karapatan aniya ng mga transport groups na ipahayag agng kanilang hinain laban sa isang programa na higit na makakaapekto sa kanilang kabuhayan, hindi naman maari aniya na maapektuhan ang mga commuter.

Dagdag pa nito, kahit may mga batas nang umiiral laban sa mga sasakyang may depektibong headlight ay naglipana pa rin ang mga ito.