-- Advertisements --

Karagatan ng bayan ng Panay Capiz, negatibo na sa Paralytic Shellfish Posion (PSP) o red tide

ROXAS CITY – Negatibo na ang karagatan ng bayan ng Panay sa lalawigan ng Capiz sa Paralytic Shellfish Posion (PSP) o red tide.

Ito ang kinumpirma ni Mrs. Sylvia Dela Cruz, Provincial Agriculturist ng mainterview ng Bombo Radyo, batay sa ipinalabas na Shellfish Bulletin No. 24 series of 2023 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Dahil dito, maari nang magharvest, magtinda at kumain ng ibat ibang uri ng shellfish ang mga residente sa lugar.

Sa kabilang dako, nagpaalala lamang si de la Cruz sa mga residente mula sa ibang bayan na apektado ng red tide na hintayin ang anunsyo ng ahensiya na negatibo na sila sa red tide bago kumain, magharvest o transport ng shellfish na mula sa kanilang lugar para maiwasan na mabiktima ng red tide poisoning.