-- Advertisements --
ROXAS CITY – Muling nagbabala ang BFAR – Capiz Provincial Fisheries Office sa publiko na iwasan ang pagkain ng seafoods na galing sa karagatan ng Capiz, dahil mataas pa rin ang presensiya ng lebel ng paralytic shellfish poison (PSP) o red tide toxin.
Sa ipinalabas na Shellfish Bulletin No. 23 series of 2023, nanatiling positibo sa red tide toxin ang shellfish samples mula sa Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz, coastal waters ng Panay; Pilar; President Roxas; Roxas City ; karagatan na sakop ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo.
Dahil dito ay hindi pa rin ligtas ang pagkain sa lahat na klase ng seafoods.
Samantala pinaalahanan ang publiko na linisin ng husto ang isda, lukos, hipon, alimango at kasag bago lutuin.