-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang karagatan ng Indonesia at East Timor.

Ayon sa US Geological Survey, na ang epicenter ng lindol ay sa 427 kilometer ng timog bahagi ng Ambon Island ng Indonesia.

Mayroong lalim ang nasbing lindol ng 95 kilometers.
Naiulat naman ng Meteorology, Climatology and Geophysics Agency (BMKG) ng Indonesia na mayroong aftershocks ng magnitude 5.5.

Unang naglabas ang Indonesia ng tsunami warning subalit matapos ang ilang minuto ay kanila na rin itong tinanggal.