-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang karagatang bahagi ng El Salvador.
Ayon sa European Mediterranean Seismological Center , ang lindol ay mayroong lalim na 33 kilometro.
Naramdaman ang epicenter nito sa San Salvador at maging sa Guatemala ay naramdaman ang pagyanig.
Inaalam pa ng mga otoridad kung magkano ang kabuuang pinsala ng nasabing lindol.