-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang karagatang bahagi ng Panama.

Ayon sa European Mediterranean Seismological Center (EMSC) na may lalim ang lindol ng 2 kilometro.

Tumama ito sa 321 kilometro ng southeast ng San Jose sa Costa Rica.

Wala namang itinaas na tsunami warning ang US National Tsunami Warning Center.