-- Advertisements --
Inaasahan na aabot sa dalawang milyong bagong registered voters ang makikibahagi sa 2022 elections.
Sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) spokesperson James Jimenez, na malaki ang posibilidad na maabot ang nasabing bilang sa pagsisimula ng itinakda nilang registration para sa bagong botante mula Agosto 1 hanggang Setyembre 30.
Nilinaw nito ang mga Sangguniang Kabataan (SK) voters ay kailangang muling magparehistro para mailipat ang pangalan nila sa regular List of Voters.
Sa ngayon ay mayroong kabuuang 61 milyon ang mga botante sa bansa na inaasahan na madadagdagan pa pagdating ng 2022 elections.