-- Advertisements --
nfa
Photo courtesy of National Food Authority FB page

Humihingi ng karagdagang pondo ang National Food Authority para sa pagbili ng mga palay mula sa mga lokal na magsasaka.

Ang nasabing hakbang ay bilang pagsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para tulungan ang mga magsasaka na nagrereklamo sa mababang pagbili ng kanilang palay dahil umano sa pagpapatupad ng Rice Tarrification law.

Sinabi ni NFA Administrator Judy Carol Dansal, na walang kakayahan ang kanilang nakalaan na taunang pondo para sa pambili ng mga palay sa mga magsasaka.

Gagamitin ang karagdagang pera para sa pagrenta ng mga bodega para sa mga bibilihing palay.

Mayroong P7 bilyong ang ibinibigay ng gobyerno na pondo sa NFA kada taon na katumbas ng 9 milyong sako para sa 15 araw na buffer stock.