-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Karagdagang 13 Person Under Investigations na nakasalamuha ni Patient 275 na kauna unahang nagpositibo sa nasabing virus sa rehiyon 2 ang natukoy ng Cagayan Valley Inter Agency Task Force habang tatlo pa ang patuloy na hinahanap.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Information Officer ng provincial government ng Isabela, sinabi niya na kabilang sa mga natukoy ay ang isang pamilya na binubo ng 4 katao na kinabibilangan ng, 32 anyos na 31 anyos na babae, 3 anyos na bata at 10 months old na sanggol.

Natukoy na rin ang isang 45 anyos na lalake na residente ng Barangay Sentro San Pablo, Isabela na bumaba sa Cabagan, Isabela.

Maliban dito ay natukoy na rin ang 4 na pasahero mula naman sa barangay Catabayungan, Cabagan, Isabela na kinabibilangan ng isang 38 anyos na lalake, 24, na lalaki, 23 anyos na babae 1t 21 anyos na babae.

Natukoy na rin ang 3 PUI’s na bumaba sa Reina Mercedes, Isabela na isang 44 anyos na lalake, 10 na batang lalake at isa pang 5 anyos na bata.

Habang ang PUI naman sa Lunsod ng Cauayan ay natukoy na rin na residente ng Barangay Naganacan na isang 24 anyos na babae.

Aniya lahat ng mga natukoy na PUI’s ay asymptomatic at naka-quarantine maliban sa 32 anyos na nagkitaan ng sintomas ng sipon bago pa sumakay sa bus.

Sa ngayon ay puspusan pa rin ang pagtukoy ng Cagayan Valley Inter Agency Task Force upang matukoy pa ang iba pang nakasakayan sa bus noong March 11 na galing sa Metro Maynila