-- Advertisements --
image 563

Naitala ng Department of Health (DoH) ang karagdagang 137 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Dahil dito, base sa pinakahuling figures ng Health department, ang caseload na sa ngayon ay nasa 4,079,501.

Ang recoveries naman ay nadagdagan ng 110 cases kaya umabot na sa 4,004,783 ang bilang ng mga nakarekober.

Habang ang death toll ay lumobo na sa 66,304.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng virus na nasa 639.

Sinundan ito ng Davao Region na mayroong 301, Calabarzon na may 247 at northern Mindanao at Soccskargen na may tig-184 cases.