-- Advertisements --
Inaprubahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang dagdag na 15 gamot para ma-exempt sa value-added tax (VAT).
Kabilang na dito ang mga gamot para sa sa cancer, high cholesterol, hypertension, at mental illness.
Ang na-update na listahang ito ng mga gamot na walang buwis ay inilabas kasunod ng rekomendasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., ang kanilang ahensya ay isa na ngayong service-oriented .
Patuloy aniya itong sumusuporta sa pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang mga pasyente at kanilang pamilya na makakuha ng access sa mas abot-kayang mga gamot.