-- Advertisements --
Nakatanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng panibagong mahigit 180,000 doses ng Prizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility.
Ayon sa Bureau of Customs ang 188,370 doses ay siyang pangalawang sunod na dating na bakuna sa bansa mula sa donasyon ng COVAX facility na pinangungunahan ng World Health Organization.
Sinalubong ito ni National Task Force Against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor.
Sinabi ni Mayor na ang mga bakuna ay ipapamahagi sa iba’t-ibang probinsiya na hindi pa nakatanggap ng ganitong uri ng bakuna.
Tiniyak nito na mayroon pang mga bulto ng Pfizer brand ang parating sa bansa ngayong buwan at sa Oktubre.