-- Advertisements --
cocaine surigao del norte PNP
Previously recovered cocaine in Surigao del Norte (file photo from PNP, PDEA)

BUTUAN CITY – Karagdagang dalawang bloke na naman ng floating cocaine ang natagpuan ng mangingisdang nagpalutang-lutang sa baybayin ng Barangay Quezon, sa bayan ng Libjo, Dinagat Islands, Surigao del Norte kagabi.

Tinatayang aabot sa P5.3 milyon ang halaga ng 1.1 kilong cocaine na natagpuan ang mangingisdang si Felix Miasco na isinilid sa isang selyado bag.

Kaagad niya itong itinurn over sa kanilang barangay kapitan na siya namang tumawag sa Libjo Municipal Police Station na siyang nagkostodiya na ng naturang illegal drugs.

Agad naman itong inilipat na sa dalawang plastic bags matapos masira ang orihinal nitong lalagyan.

Ang pinakahuling bloke ay nadagdag sa una nang narekober na 157 bloke na floating cocaine sa buong rehiyon na nagkakahalaga ng P992,625 milyon.