-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 2,141 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID19) sa bansa.
Dahil dito, umabot na ang nationwide tally sa 3,913,536 pero marami rin naman ang bilang ng mga nakarekober na aabot sa 3,826,246.
Nadagdagan naman ng 31 ang bilang ng mga nasawi kaya umakyat na ang death toll sa 62,447.
Ang mga aktibo namang kaso ay 24,843.
Ang Metro Manila pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng infections sa nakalipas na dalawang linggo na umabot sa 9,571.
Sinundan ito ng Region IV-A na may 3,797; Region III na mayroong 2,266, Region XI na may 1,312 at Region VI na may 1,047.