-- Advertisements --

LA UNION – Dumating na sa cold storage facility ng Department of Health (DOH) Regional Office-1 sa lungsod ng San Fernando, La Union ang karagdagang bilang ng Sinovac vaccine.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa DOH Regional Office-1, nasa 30,000 doses na bakuna ang nakatakdang ipapamahagi sa apat na lalawigan na sakop ng Ilocos region na kinabibilangan ng La Union, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte bilang bahagi sa nagpapatuloy na vaccination program ng pamahalaan.

Inaasahan na magagamit ang mga kararating na bakuna para sa mga nasa listahan ng priority group A-1 gaya ng mga healthcare workers sa mga government at private hospitals, isolation facilities, RHUs, CHOs, stand alone clinics, closed healthcare institutions; kasama na rin ang nasa priority group A-2 kabilang ang mga senior citizens.