-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Aabot sa 18-libong mga healthcare frontliners nitong rehiyon ng Caraga ang target na tuturukan sa dumating na 36-libong doses ng Sinovac vaccines na kanina na isinilid sa 30 mga boxes.
Sa press briefing pagkarating ng pangatlong batch ng COVID-19 para sa Caraga Region, inihayag ni Department of Health (DOH) Caraga assistant regional director Sadaila Raki-in na ang rehiyon ay may target na 53,362 mga frontline health workers na tuturukan at sa ngayon ay 19,270 pa lang ang naturukan.
Kung ma-uubos na ang target na 18-libong mga healthcare frontliners, aabot na sa 98.7-porsento ang matuturukan at halos 200-doses na lamang ang kakailanganin ng Caraga upang maibigay na sa mahigit uno-porsientong matitira.