Ikinatuwa ng Commission on Elections ang aabot sa 430,000 individuals na nagsumite ng kanilang aplikasyon para maging ganap na botante sa gaganaping 2025 national ang local elections.
Ayon sa poll body, as of June 12, naproseso na nila ang 3,642,176 individuals na naghain ng voters application sa iba’t ibang registration area sa bansa.
Nadagdagan ito ng l 431,653 application mula sa dating 3,210,523 noong May 28.
Nagsimula naman ang voter registration noong February 12 at nakatakdang magtapos sa September 30 ng kasalukuyang taon.
Una nang sinabi ng COMELEC ang target nilang 3 million individuals na maghahain ng aplikasyon.
Nakapagtala naman ng pinakamaraming voters registrants ang Southern Tagalog region na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon na pumalo sa 632,493 applicants.
Sinundan ito ng NCR na may 510,590 at Central Luzon (422,092), Central Visayas (248,193), Davao (213,0300, Western Visayas (200,351), the Bicol region (165,056,) at Western Mindanao (146,793).