-- Advertisements --
Humirit ang Metro Manila Council (MMC) ng 5,000 mga contact tracers bilang paghahanda sa Delta variant ng COVID-19 sa National Capital Region.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, na mahalaga ang paghahanda para sakaling tumaas ang bilang ng mga kaso sa NCR.
Bukod sa nasabing karagdagang contact tracers ay dapat tuloy pa rin ang swabbing, testing at isolation.
Isang mahalaga rin na paglaban ay ang pagpapatupad ng istriktong border controls para masawata ang Delta variant.