-- Advertisements --
Senator Angara
Senator Sonny Angara together with Senator Manny Pacquiao (PRIB Photo by: Cesar Tomambo)

Garantisado na umanong makakatatanggap ng 500 pesos na karagdagang social pension ang mga mahihirap na senior citizen sa ating bansa ngayong 2023.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, mula 500 pesos ay magiging 1000 pesos na ang matatanggap ng mga senior citizen kada buwan at yan ay 12,000 pesos boong taon.

Sinabi ni Angara na ipinaloob nila ang 50 billion pesos sa 2023 National Budget upang madoble ang pension na natatanggap ng halos 4.1 million na indigent senior citizen.

Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act 11916 na kung saan nakasaad sa batas na ito na bibigyan ng naturang pension ang mga senior citizen na mahina na at sakitin lalong lalo na yung mga lolo at lola na walang natatanggap na pension mula sa ibang ahensya ng gobyerno ay pribadong kumpanya.

Ang Department of Social Welfare and Development office naman ang magbibigay ng nasabing social pension ng mga senior citizens.