Kinumpirma ng Bureau of Corrections na 70 PDLs mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang matagumpay na inilipat sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Southern Leyte bilang bahagi ng decongestion program ng national penitentiary.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., 50 sa mga inmate ay nagmula sa Maximum Security Compound ng NBP habang 20 ay mula sa Reception and Diagnostic Center.
Aniya , ang patuloy na paglilipat ng mga Bilibid inmates sa iba’t ibang operating prisons at penal farms ay bahagi ng pagsisikap ng BuCor ma decongest ang mga NBP at upang magbigay ng karagdagang manggagawa para sa mga proyektong pang-agrikultura.
Batay sa datos ng ahensya , as of May 2024, nakapaglipat na ito ng mahigit 4,600 Bilibid inmates sa mga prison and penal farms sa kani-kanilang probinsya.
Bukod sa NBP, pinangangasiwaan din ng ahensya ang Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro, Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte; at ang San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.
Nauna nang sinabi ni Catapang na ang paglilipat ng mga Bilibid inmates ay isang “stop-gap” measure para maibsan ang siksikan sa national penitentiary habang naghihintay ang ahensya ng pondo para sa pagtatayo ng regional correctional facilities bilang bahagi ng medium at long-term development at modernization plan nito.
Ang NBP at ang anim na iba pang operating prison at penal farm ng BuCor ay mayroong mahigit 50,000 preso, bagama’t ang kanilang kabuuang kapasidad ay nasa 12,000 lamang, o isang average na congestion rate na 310 porsyento.
Ang national penitentiary pa lamang ay kasalukuyang may na 25,886 na mga bilanggo, bagama’t mayroon lamang itong 6,000 na kapasidad noong ito ay itinayo.