-- Advertisements --

Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board in Soccsksargen ((RTWPB–12) ang P32 na karagdagang arawang sahod para sa mga wage earners sa rehiyon.

Sa bisa ng inilabas na Wage Order No. 22, magiging P368 na ang minimum daily wage rate sa Region 12 para sa mga manggagawa sa non-agricultural sector habang sa mga agricultural at retail and service establishment workers ay nasa P347.

Ibinahagi din ni Dir. rolly Francia, information and publictaion Service, DOLE na nag-isyu na rin ng wage order ang regional wage boards sa Region 4B (MIMAROPA region).

Sa region 4B, may karagdagang P35 mula sa dating P320 tataas ang arawang sahod ng mga wage earners sa rehiyon sa P355.

Para naman sa mga kasambahay, madadagdagan ang kanilang sweldo ng P1000 kung kayat ang kanilang magiging buwanang sahod na ay magiging P4,500 sa region 4B.