Aasahan na ang mga karagdagan na kasong kriminal ang ihahain laban kay dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr sa oras na ma extradite o maibalik na ito sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Pamplona Mayor Janice Degamo, ang biyuda ng pinaslang na gobernador ng Negros Oriental na si Roel Degamo.
Ayon kay Mayor Janice Degamo, marami pang biktima ng kalupitan ng dating mambabatas ang handang humarap at tumistigo sa korte.
Umaasa rin itong mapabilis na ang pagpapabalik kay Teves para harapin na ang mga kaso na inihain laban sa kanya.
Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso ng nakalipas na datos.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap nito ay murder, attempted murder at frustrated murder.
Bukod dito ay may kasong murder rin ang inihain sa laban kanya para sa serye ng pagpatay noong 2019.
Sa ngayon, wala pang eksaktong araw kung kailan maibabalik ng Pilipinas ang dating mambabatas.