-- Advertisements --

Pinag-aaralan ngayon ng Philippine National Police ang panukalang pagdaragdag sa kasalukuyang pabuya laban kay Quiboloy upang mapabilis ang pagkakadakip nito.

Ginawa ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, ang naturang pahayag sa isinagawang pulong balitaan sa Camp Crame kahapon.

Ayon kay Col. Fajardo, kinokonsidera ng Pambansang Pulisya na maglabas ng sariling pondo o reward para sa sinumang indibidwal na makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kinaroroonan ng puganteng pastor.

Kung maaalala, inanunsyo ng DILG ang aabot sa P10M na patong sa ulo ng pastor at tig isang milyong patong sa lima pang kapwa akusado nito.

Kahapon ay naaresto na ng pulisya ang isa sa kapwa akusado ni Quiboloy na si Paulene C. Canada.

Maaari rin aniyang itawag sa hotline ng pulisya ang mga importanteng impormasyon sa lokasyon nito.

Sa ngayon, sunod-sunod aniya ang kanilang nukukuhang detalye sa umano’y lokasyon ng pastor ngunit ito ay kanilang binipiripika pa.