Pinayagan na Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) simula ngayong araw ang pagpasada ng 1,943 na pampasaherong jeep na pumasada sa 17 bagong ruta sa Metro Manila.
Base sa inilabas na memorandum circular ng LTFRB, na hiniling ng ilang mga namumuno sa local government units ang magdagdag ng pumapasadang jeep.
Ang 17 ruta ay sumasakop sa Quezon City, Caloocan, Manila, Makati, Pasay, Navotas, Taguig at San Juan.
Umaabot na ngayon sa 7,945 na pampasaherong jeep ang pinapayagan ng pumasada o 14 percent sa kabuuang 55,000 na registered jeep sa National Capital Region.
Gaya ng unang panuntunan kailangan kumuha sila ng quick response code o special barcodes para sa mga kwalipikadong operators na ito ay ipiprint sa papel at ilalagay sa sasakyan.
Tiniyak ng LTFRB na kanilang pananagutin ang mga jeepney operators na lalabag sa safety measures na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease gaya ng pagkuha ng temperatura ng mga pasahero, pagsusuot ng mga face mask sa mga pasahero at dapat kalahati lamang ang laman ng mga pampasaherong jeep.
Gaya ng unang batch ay nagkaroon ng kalituhan sa mga operators dahil nahihirapan silang makakuha ng QR codes.
Paglilinaw naman ni LTFRB chairman Martin Delgra na P9.00 pa rin ang minimum fare sa mga pampasaherong jeep.