Sa ika-apat na sunod na araw, naitala ng Department of Health (DoH)ang karagdagang mahigit 100 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa datos ng Department of Health, ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa 117.
Mas mababa ito sa naitaalang 142 cases noong isang araw.
Ang active cases ay bumaba rin sa 9,327 mula sa dating 9,347.
Ito naman ang ika-14 na araw na naitala ang mas mababa sa 200 ang bagong kaso ng nakamamatay na virus.
Sa ngayon, ang total COVID-19 caseload sa bansa ay pumalo na sa 4,076,237.
Nadagdagan naman ng 175 ang bagong bilang ng mga nakarekober kaya umabot na ito sa 4,000,813.
Nadagdagan din ang mga namatay sa naturang vitus ng 14 kayat lumobo pa sa 66,097 ang bilang ng mga namatay.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang Metro Manila pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na nasa 431.
Sinundan ito ng Davao region na mayroong 239, Calabarzon na may 172, Western Visayas na may 95 at Soccsksargen na may 80.
Pagdating naman sa mga probinsiya at mga lungsod, ang Davao del Sur ang may pinakamaraming kasong nasa 177.
Sinundan ito ng Manila City na may 99, Quezon City na mayroong 79, Rizal na may 57 at Cavite na may 54.