-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patuloy ang pagbaklas ng Commission on Elections (COMELEC) at Baguio City Police Office (BCPO) sa mga campaign materials na iligal na nailagay sa ibat-ibang bahagi ng lungsod ng Baguio.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay City Election Officer Atty. John Paul Martin, nagkaisa ang lahat ng mga himpilan ng BCPO sa pagbaklas sa mga campaign posters na oversized at mga nailagay sa mga hindi tamang lugar.

Aniya, higit 300 na pidaso ng campaign posters ang naisumiti sa kanilang opisina at madaragdagan pa ito dahil may mga himpilan ng BCPO na hindi pa nagsumiti ng kanilang mga nakumpiskang campaign posters.

Karamihan aniya sa mga nabaklas nilang campaign posters ay sa mga partylist groups.

Sinabi niya na isasailalim sa inventory ang mga nakumpiskang campaign posters at dadalhin nila ito sa COMELEC – Central Office para sa pagpipila ng kaso laban sa mga concerned candidates o partylist groups.