-- Advertisements --

Mayroong mga karagdagang murang imported na karne ang darating sa bansa sa susunod na buwan.

Ayon sa inilabas na panuntunan ng Department of Agriculture (DA) na magsisimula ang pagdating ng mga imported na karne sa Hulyo 12.

Ang nasabing hakbang ay para mapababa ang presyo ng mga karne sa bansa.

Nakasaad sa Executive Order 133 ng DA na ang mga importers ay maaaring magdala ng 254,210 metric tons ng karne ng baboy na mayroong 5 percent na taripa sa loob ng tatlong buwan at 10 percent pagdating ng ikaapat na buwan hanggang isang taon.

Inilabas ang nasabing EO 133 noon pang Mayo paa tuluyan ng pababain ang presyo ng karne ng baboy sa bansa.