-- Advertisements --

Magbubukas ng karagdagang impounding facilities ang Land Transportation Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa inaasahang pagdami ng mahahatak na mga sasakyan.

Sa datos ng ahensya umakyat sa mahigit dalawampu’t apat na libo na naka-impound na public at private vehicle sa mga regional offices ng LTO kabilang ang tatlong daan at limapu’t siyam na LTO impounding areas sa Quezon City.

Tiniyak naman ng ahensya na magiging patas ang pagpapatupad ng batas sa lahat.

Samantala, tuloy pa din ang kanilang panawagan sa mga unconsolidated jeepneys na humabol sa franchise consolidation.