Kinumpirma ng Department of Agriculture na aabot na sa tatlumpu’t apat na Indian companies ang pinagkalooban nila ng accreditation para magsuplay ng frozen buffalo meat sa ating bansa.
Sa isang pahayag , sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nilalayon ng hakbang na ito ng ahensya na mapalawak pa ang sources ng meat products na siyang ginagamit sa food processors sa Pilipinas.
Malaking tulong rin ito upang maging affordable ang mga gastusin sa mga produkto tulad ng corned beef.
Bukod dito ay target rin ng Pilipinas na maakit ang mga dayuhang kompanya na mamuhunan sa bansa.
Noong 2019 ay aabot sa anim na kumpanya ng mga Indian meat exporters ang inaprubahan din ng ahensya.
Samantala, para sa mga bagong accredited Indian meat exporters, tatagal ang bisa nito hanggang Disyembre 12, 2027.