-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na tinanggap ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang 30 boxes na karagdagang medicine packs mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) North Cotabato Branch na ginawa sa Provincial Governor’s Office, Amas, Kidapawan City.

Nauna ng nag turn-over ng mga medisina ang PCSO noong July 11, 2022 bilang suporta sa programang pangkalusugan ni Governor Mendoza.

Abot sa P298, 500 na halaga ng mga medisina na kinabibilangan ng paracetamol, mefenamic acid, amoxicillin, cetirizine, amlodipine, ascorbic syrup, Vitamin B complex at marami pang iba ang ipapamahagi sa mahigit 30 na mga barangay ng lalawigan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Governor Mendoza kasama si Provincial Administrator Aurora Garcia, Board Member Ivy Dalumpines at Former Board Member Shirlyn Macasarte kay PCSO North Cotabato Branch Manager Matias S. Ponlawon Jr. sa mga gamot na ibinigay ng ahensya na aniya ay malaking tulong para sa mga malalayong barangay ng probinsya.