Kinilala ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang apat na local government unit na mga bagong miyembro ng Open Government Partnership.
Kabilang sa mga ito ang Tagbilaran, Larena, Quezon city at Baguio city.
Una nang tinanggap sa Open Government Partnership ang South Cotabato noong 2018 at noong 2020 naman ang Borongan Eastern Samar.
Sinabi ni Pangandaman ikinagagalak niyang ang Open Government Partnership ay mayroon nang sangay sa National Capital region, gayundin sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Si Pangandaman ay siya ding chairperson ng Open Government Partnership-Philippines na isang inisyatiba ng mga national at sub-national governments sa buong mundo na nagtataguyod ng transparency sa pamahalaan at gumagawa ng mga hakbang para labanan ang katiwalian at palakasin ang pamamahala.
Matatandaan na ang Pilipinas ay isa sa walong founding countries ng Open Government Partnership kabilang ang Brazil, Indonesia, Mexico. Norway. South Africa at America
Binigyang diin ni Pangandaman na ang pagsapi ng iba pang LGU sa Open Government Partnership ay magpapalakas pa lalo sa kampanya nila para sa mas bukas, transparent at accountable na governance
Dagdag pa ng Kalihim na bilang Chairman ng Open Government Partnership-Philippines, hangad niyang makitang mas maraming mga LGU ang sumali sa partnership