Inilagay ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga lugar ng Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, Southern Leyte sa Region VIII, at Misamis Oriental sa Region X sa ilalim ng Alert Level 1.
Isinailalim din sa Alert Level 1 ang Buguia sa Benguet sa Cordillera Administrative Region, Atimonan at Tiaong sa Quezon province sa Region IV-A, Santa Magdalena sa Sorsogon at City of Masbate sa Masbate sa Region V, Batad at Zarraga sa Iloilo sa Region VI, Lungsod ng Talisay sa Cebu sa Rehiyon VII, Javier (Bugho) at La Paz sa Leyte, Maslog sa Easter Samar at Paranas (Wright) sa Samar (Western Samar) sa Rehiyon VIII, Linamon sa Lanao del Norte at Calamba sa Misamis Occidental sa Rehiyon X, Padada sa Davao del Sur sa Rehiyon XI, Sibagat sa Agusan del Sur at Tubajon at Cagdianao sa Dinagat Islands sa CARAGA.
Ang Alert Level 1 status na ito sa mga nabanggit na lugar ay magkakabisa simula ngayong Abril 9, 2022 hanggang Abril 15, 2022.
Ang lahat ng iba pang probisyon tungkol sa Alert Level ng mga probinsya, highly urbanized na lungsod, independent component cities, component cities at munisipyo sa ilalim ng IATF Resolution No.165-E na hindi apektado ng nabanggit na Alert Level classification ay mananatiling may bisa hanggang Abril 15, 2022.