Kinumpirma ng Department of Justice na may mga karagdagang reklamo ang isinampa laban sa mga opisyal ng pulisya at non-commissioned officers na umano’y sangkot sa maanomalyang anti-illegal drugs operations sa lungsod ng Maynila.
Sa naturang operasyon , nasakote ng mga operatiba ang aabot sa 990 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu noong nakaraang taon.
Ayon sa DOJ, dahil dito ay bumuo na sila ng panel of prosecutors na susuri sa karagdagang mga ibendesya at titimbang sa reklamong inihain sa mga respondents.
Sa kabila nito ay hindi naman binanggit ng DOJ sa kanilang statement kung ano ang partikular na relmanong inihain laban sa mga police officials at non-commissioned officers.
Kung maaalala, noong July ng kasalukuyang taon ng inanusyo naman ni DILG Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na naihain na ang mga kriminal na reklamo laban sa mga sangkot sa umano’y maanumalyang operasyon.
Ang mga akusado ay nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022, falsification; perjury; false testimony; malversation of public property sa ilalim ng Revised Penal Code at obstruction of justice sa ilalim ng Presidential Decree 1829.
Kinilala noon ni abalos ang mga respondents na police na sina
– Police Lt. Gen. Benjamin Santos Jr., – Brig. Gen. Narciso Domingo, – Col. Julian Olonan, – Lt. Col. Arnulfo Ibanez,- Lt. Col. Glen Gonzales- Major Michael Salmingo, — Lt. Jonathan Sosongco, – Lt. Col. Dhefrey Punzalan- Lt. Jefrrey Padilla, – Lt. Randolph Pinon,- Lt. Silverio Bulleser II at Lt. Ashrap Amerol.
Pinangalanan rin ng kalihim ang aabot sa 38 non-commissioned officers.
Ang panibagong reklamo na inihain sa DOJ ay kinabibilangan ng reklamo laban sa natanggal sa pwesto na si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr na umanoy may-ari ng halos 990 kilos ng shabu.