Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng magiging seguridad sa mga paliparan sa bansa ngayong holidays season.
Ayon sa CAAP, tuwing christmas season ay dagsa talaga ang mga pasahero sa mga airport na dumarating at nagsisiuwian mula sa kani-kanilang mga probinsya.
Dahil dito, magdedeploy ang Office of Transportation Security (OTS) at Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ng karagdagang mga tauhan sa mga paliparan sa bansa.
Ito ay may layuning masiguro na maayos na mapapatupad ang security at public safety protocols. Kaugnay nito ay naka-heightened alert na ang airports na nasa ilalim ng pangangasiwa ng CAAP.
Ito ay bilang paghahanda na rin sa malaking volume ng air passengers habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon.
– VICTOR LLANTINO