Nasa karagdagang P1.4 billion na pondo ang kakailanganin ng Department of Transportation (DOTr) para maipagpatuloy ang libreng sakay para sa mga mananakay hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre.
Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang libreng sakay sa EDSA Carousel ay mayroon lamang fixed budget at kailangan ng kagawaran na makipag-coordinate sa Department of Budget and Management (DBM) para sa karagdagang pondo.
Ayon kay Bautista, hihingi sila ng tulong sa Pangulo para magkaroon ng karagdagang pondo para sa libreng sakay program ang DOTr.
Maaalala na pagkaupo sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos kaniyang pinalawig pa ang free ride program sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre 2022 at ang libreng sakay para sa mga estudyante sa mga linya ng tren sa Metro Manila.
-- Advertisements --